Launchy
Pronunciation: 'lonch-chE
Function:noun
:the "freshmen" of Battle School
:at dahil na rin sa marami nang nakakaalam [na kilala ko] that there's such a thing as BLOGDRIVE, delikado. i'm vulnerable enough as it is. no need to risk having more of my insides out.


Number of Visitors:



center>





currently into / wanting
  • movie: Kill Bill 2 pa rin
  • book/s: Shadow of the Hegemon and Brilliance of The Moon
  • song: Take Me Away
  • fashion chuchu: truckload of cute blouses (meron na akong wedgies! =D)
  • random shite: salvation
  • someone: Baste



  •    

    << May 2012 >>
    Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
     01 02 03 04 05
    06 07 08 09 10 11 12
    13 14 15 16 17 18 19
    20 21 22 23 24 25 26
    27 28 29 30 31


    If you want to be updated on this weblog Enter your email here:



    rss feed



    Thursday, June 10, 2004
    Goodbye, Blogdrive

    At dahil walang katapusan ang addiction ko to blogs, may ginawa na naman akong bago. Pero mga pre, this will be my last post on this baby of mine. Huhu, babay! Kasi, mas maganda yung features nung isa. Gusto ko sana, the simpler the better... but I love looking at beautiful things  (but can offer good service), kaya't iiwan ko na ito kahit na yung crush ko eh pareho kami ng blog server. *Sniff, sniff.* Mabuti na ring malayo ako sa kanya at baka magustuhan ko pa siya ng todo. ^_^  *warning bells ringing off in my head*

     

    I will miss this blog, kahit pa mahirap ang mag-post at walang gaanong features. It was a security blankie for me. Feeling ko napaka-anonymous ko. ^_^ Ngayon ay nagbabagong buhay muli. Bisitahin nyo na lang ako sa aking bagong blog:

    Rock The Boat, and continue rocking on! =)


    Posted at 12:03 am by ~telios~
    Mag-iwan ng beyntsingko  

    Tuesday, June 08, 2004
    Can't Decide.... or Won't?

    I'm buying time right now. Because I haven't decided at the course I'm going to take. And I won't be making any baby steps without a foolproof plan. Can't see any lighthouse up ahead. Which way to go?!? As I have said before to a dear friend, it sucks to be an adult. One of the top reasons being you are compelled/forced/gaggled to make a decision, over none other than your life's worth. And you don't have any one to put the blame on but yourself. Gah.


    Posted at 08:50 am by ~telios~
    (2) Beyntsingkong pamasahe  

    Wednesday, May 26, 2004
    Update #1

    No, I haven't been dating. At all. I haven't even started LOOKING, and now, I don't plan to. Nobody  seems interested, including me.  I've found that it would take too much of an effort from me to handle this kind of activity and I'm not up for it. Tinatamad ako. And I have other, more important  problems to look into than to be in search of my guy bestfriend. Siya na ang maghanap sa akin. At kung siya ay laman lamang pala ng aking naghihingalong imahinasyon, edi good riddance. Okay lang na wala akong ganun. Hindi naman pala ako mamamatay ng walang guy bestfriend, as proven by my continuing existence months after I had the urge to look for one. After all I have my friends, my guy cousins, and a few close guy friends to enjoy. =)

     

     

     


    Posted at 02:16 am by ~telios~
    Mag-iwan ng beyntsingko  

    Tuesday, May 25, 2004
    Yun Na Nga Yun, Sa Dako Paroon

    Nakakatawa na hindi. Dahil ang hirap palang magbasa ng diretsong Tagalog pag nasanay ka na NA pa-Taglish-Taglish o pa-Ingles-Ingles.


    Mahilig akong magbasa ng mga "blogs" ng ibang tao, lalo na ng mga hindi ko kilala. Syempre, iyong mga nakakatawa at magaling naman kung sumulat. Yung tipong inspirasyon sa kagaya kong hindi naman manunulat, mahilig lang magsulat. At kaya nga ngayon ay nagsusulat ako ng Tagalog na diretso ay dahil sa may kababasa lang akong "blog" na ang manunulat ay diretsong-diretso ang Tagalog sa pagsusulat. Hanga ako sa kanya dahil isa siyang tiga-Canada na Pinoy at talo pa nya ako sa paggamit ng Tagalog. Siguro nga at may mai-dadahilan ako dahil kakagaling ko lang din ng Canada at America pero naman, isang buwan lang iyon. At ngayon eh nangangapa na ako sa pagta-Tagalog. Nakakahiya. 

     

    Gusto ko itong araw na ito. Dahil ang dami ko ngang nadiskubre na mga "blogs" pero yung kakaiba dun sa mga dati kong binabasa. Kasi yung dati, puro mga kasawian sa pag-ibig, mga magulang na mahigpit, mga problema sa pagbagsak, pag-pasa, pagiging pinakamataas sa eskwelahan, at mga away at alitan ng mga magkakaklaseng babae na nagkakatinginan lang ng masama. Mga tipong kababawan kung ikukumpara sa mga laman ng nahalungkat kong "blogs" ngayon. Dahil itong mga bago, ang pinaguusapan ay ang kalagayan ng Pilipinas ngayon: ang pulitika nito, ang mga krimen na hindi na naresolba kahit kailan, mga problema ng isang ina na nagdidyeta at hindi ganap na masunod ang mga pangarap, ang buhay ng isang Pilipino sa isang dayuhang bansa. Hindi na lang ito basta "angst" (kung merong kang alam na Tagalog na salita para dito, ang iyong tulong ay maluwag kong tatanggapin) na madalas na laman ng mga "blogs" ng mga batang ire. =) 


    Dahil na rin siguro na mga edad 25 pataas ang halos lahat sa kanila kaya't iba na ang direkson ng kanilang pag-isisip at iba na ang kanilang mga prayoridad. Pero may isa akong napuntahan na dise-otso pa lang siya ngunit ang mga isyung pampulitika na ang kanyang pinaguusapan. At ang kahanga-hanga pa ay hindi naman siya nakatira talaga sa Pilipinas. Nakatira siya sa New York. Nakakahiya na naman. Dahil mas may interes pa sya sa ating bansa at sa mga kabalastugan, kawalangyaan, at kawalang hustisya na nangyayari sa ating mga mamamayan kesa sa akin na bente-uno na (at magbebente dos na nga) tapos ay isang hinirang na dating Iskolar ng Bayan.


    Siguro nga ay kailangan ko lang ng mga ganitong babasahin para magka-ulirat sa mga pangangailangan ng ating bayan. Pero dati pa naman din akong may pakialam. Kaso, ito'y unti-unting nabubura sa aking konsensya dahil sa unti-unti na rin akong nawawalan ng pag-asa para sa Inang Bayan. Bakit kamo? Kasi gusto mo ng pagkakaisa, ng pagtutulungan, ng pagkakaiba sa paulit-ulit lang na hirap ng ating bansa kaso kahit na anong pilit ng iba na makatulong, ang dami masyadong itinutulak lang lalo ang iba ng paibaba para walang kompitensya at ang iba ay hinahatak naman pababa ang mga umaakyat para nga naman may kasama sa hirap. 


    Iniisip ko nga na kung bawat isang Pilipino eh idasal ang kanyang bayan araw-araw, kahit isang beses man lang, maririnig kaya tayo ng Dyos? Gigisingin nya kaya ang mga tulog at hahatakin pabukas ang mga saradong utak? Na kung bawat isa ay gusto talaga tayong umunlad, tumigil na lang sana sa kakareklamo at gawin ang dapat, may mararating naman siguro tayo, diba? Kaso nga, isa pa itong kahihiyan sa aking parte. Dahil gusto ko man umunlad tayo at ginagawa ko ang hindi man lubos ngunit kahit papaano ay sapat, at dinadasal ko din ang Pilipinas kahit na hindi araw-araw, ay parang wala pa rin akong pag-asang nakikita. Nakakairita, na umaabot sa punto na gusto mo na lang bunutin ang buhok mo sa anit o kaya ay pagbabarilin na lang lahat ng mga pahamak at hadlang sa dapat na patunguhan ng ating bansa.  Pero parang wala ka nang magagawa.
     


    Hay nako, tama na muna itong aking makathang pagsusulat dahil parang wala naman itong direksong patutunguhan. Para bagang Pilipinas. Nakakalumo.

     

    *ako ay gumamit ng "online english-tagalog" na diksyonaryo habang sinusulat ko itong "entry" kong ito.

     


     

    Ito na lang siguro ang punto ng aking isinulat. Iiiwan ko na lang sa inyo  ang desisyon kung gusto nyo bang mabasa o hindi yung mga nabasa ko. Malay natin, may mapatunguhan ang inyong pagbabasa at may madulot na maganda. Edi masaya. =)  Hindi nga lang ako nakahingi ng permiso na gamitin ang kanilang mga "website" para ilagay dito sa aking "blog." Pero sigurado naman akong hindi kayo mga walang hiya na mga nagbabasa nito na babastusin ang kanilang mga "blog" at pupuntiryahin sila ng walang respeto.

    Ang tiga-Canada na Pinoy pa rin:

    http://balikbayanbox.pansitan.net/


    Ang dise-otsong makabayan:

    http://kristia.blogspot.com/

     

    Ang nakakatawang nanay na ayaw kay Celine Lopez at Tim Yap (kaya gusto ko siya >)):

    http://crushwitheyeliner.blogspot.com/

     


     

    Segue:  I feel so mundane sometimes,  I bleed from it.








    Posted at 04:01 am by ~telios~
    Mag-iwan ng beyntsingko  

    Saturday, March 20, 2004
    Quoting My Egoistic Self Again

    "Playing it safe would not put you in anybody's heart."


    Nagpapaka "Oracles of Fortune" lang po ako. It's fun to gather and remember your musings. They serve as reminders of times gone by. Sometimes they come during upheavals, and sometimes they just come when your mind is calm and open to the hands of TRUTH.




    On another note, I have  been intermittently  crushing on this UP Med guy who just semi-recently gave up on the girl he likes (according to a trustworthy source). He’s nice, he’s slightly innocent, he’s funny, he’s cute, he’s smart, and he’s a very good writer. Plus a million and one. Ha-ha! Prospect! *jabs index finger up the air* Game na! Gusto ko syang maging friend! =D Friends lang muna. NO WAY AM I LETTING THIS GUY EVEN SMELL A HINT OF MY CRUSH ON HIM. NO WAY OH WAY. Yan kasing mga prospect ko, ayaw ko na idedate. Yun lang mga casual flirtations and flingies ang mga gusto kong maka-date.* Para nga no romantic connections. No expectations.

     

    *for further information, see Blog Entry:  Fabulous




     

    Another good news! I have taken the baby steps into fulfilling one of my late resolutions. I’m no longer MUCH OFAN ASS towards that guy who “liked/s” me. Yay!!!


     


    Posted at 01:15 pm by ~telios~
    Mag-iwan ng beyntsingko  

    Next Page